MULTIMEDIA

2 lalaking kalalaya lang sa kulungan, pinagbabaril ng riding-in-tandem

ABS-CBN News

Posted at Jan 15 2021 07:56 PM

Patay ang dalawang lalaking kalalaya lang sa kulungan matapos pagbabarilin sa loob ng isang pampasaherong jeepney sa Quezon Boulevard sa Quiapo, Maynila, umaga ng January 14.

Ayon sa chairman ng Barangay 310, parehong may kasong robbery-holdup ang dalawang biktima at kalalaya lang sa detention cell ng Manila Police District nang maganap ang pamamaril.

Kasasakay lang sa jeep ng dalawang biktima at hindi pa nga nakakaalis ang sasakyan nang dumating ang riding-in-tandem na suspek at pinagbabaril sila.
 

Watch more on iWantTFC