Probisyon sa SSS Law, ibinasura ng Korte Suprema | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

News

Probisyon sa SSS Law, ibinasura ng Korte Suprema

Probisyon sa SSS Law, ibinasura ng Korte Suprema

Patrol ng Pilipino

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

MAYNILA — Ibinasura ng Korte Suprema ang isang probisyon sa Social Security System (SSS) Act patungkol sa survivorship pension. 

Sa kaso ni Belinda D.R. Dolera, ipinagkait ang pension sa kanya ng namayapang asawa dahil ikinasal sila na baldado na ang asawa.

Taong 1980 nang mabalda at nagsimulang makatanggap ng SSS total disability pension ang noo’y common law spouse ni Dolera. Ikinasal sila 

noong 1981 at nagsama hanggang sa namatay ang asawa ni Dolera noong 2009. 

ADVERTISEMENT

Ayon sa Korte, ang probisyong "date of disability" ay hindi nagsusulong sa pagkakapantay-pantay ng lahat na itinatakda ng Constitution. 

Dagdag pa ng Korte, layon lang noon ng Kongreso na gamitin ang nasabing probisyon para pigilan ang mga byudo o byuda na makinabang mula sa mga sham marriage o pekeng kasal.

– Ulat ni Adrian Ayalin, Patrol ng Pilipino

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.

© 2025 ABS-CBN Corporation. All Rights Reserved.

© 2025 ABS-CBN Corporation. All Rights Reserved.