Sunburn, bungang-araw paano maiiwasan ngayong mainit? | ABS-CBN
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
News
Sunburn, bungang-araw paano maiiwasan ngayong mainit?

ABS-CBN News
Published Mar 10, 2024 06:15 PM PHT
Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

MAYNILA — Hindi pa man opisyal na idinedeklara ang pagsisimula ng tag-init ay nagpaalala na ang gobyerno sa mga sakit na maaaring makuha tuwing "summer."

Sa panayam sa TeleRadyo Serbisyo, nagbigay ng health tips si Health Assistant Secretary Albert Domingo.

SUNBURN
Gumamit ng proteksiyon gaya ng sunscreen o iwasang magbilad sa araw mula alas-10 ng umaga hanggang alas-4 ng hapon upang maiwasan ang sunburn maging ang heat stroke, ani Domingo.

Kung makaranas naman ng sunburn, mahalagang maligo upang mapreskohan ang katawan.

ADVERTISEMENT
Makatutulong rin aniya kung papahiran ang balat na may sunburn ng aloe vera para sa paghilom.

"Kung sakaling mayroon tayong mga butlig-butlig, or blisters, huwag nating putukin kasi nai-infect ‘yon," dagdag ni Domingo.
BUNGANG-ARAW
Puwedeng magka-bungang-araw ang isang tao kung "masyadong mabigat ang damit" na suot ngayong mainit, ani Domingo.
Nagkakaroon kasi bungang-araw kapag nababarahan ang sweat glands ng tao, aniya.
"Maligo nang madalas," payo niya sa mga tatamaan ng bungang-araw, na madalas makita sa itaas na bahagi ng katawan na tila butlig-butlig.