Courtesy: Bayan Patroller Gelobee Molina at Josephine Nomio
Kanya-kanyang gimik ang mga netizen ngayon sa social media matapos ang matagumpay na pagpapa-rehistro ng kanilang mga sim card bilang pagtugon sa Republic Act No. 11934 o Sim Registration Act.
Parang nakapasa sa board exam ang peg ni Bayan Patroller Gelobee Molina na makikita sa kanyang post.
Gamit ang larawan sa graduation, may nakasabit pang medalya ito na tila isang tagumpay talaga ang pagkaka-rehistro ng sim card.
Kwento ni Bayan Patroller Gelobee, naka-apat na beses siyang sumubok na magpareshistro hanggang sa magtagumpayan niya ito.
Nahirapan siya sa unang tatlong beses pero hindi niya ito sinukuan.
"Nag papasalamat ako sa mga natuwa sa post ko kahit na maraming dumaan na pag subok eh nakapag bahagi pa rin ng good vibes bago matapos ang taon," pagbabahagi ni Bayan Patroller Gelobee.
Samantala, hindi rin nagpadaig sa paghahatid ng good vibes si Bayan Patroller Josephine Nomio mula sa Cebu City.
Gumawa siya ng isang congratulatory post para sa sarili dahil nalagpasan niya ang hirap sa pagpapa-rehistro ng sim card.
Simula Lunes ay sumusubok na siya at noong Huwebes ay matagumpay na siyang nakapagpa-rehistro.
Para makatulong sa mga kababayang kasalukuyang nagpapa-rehistro ng sim card ay nagbigay din siya ng konting tips sa kanyang post.
"Hindi man madali ang pag registered ng mga sim natin, be patient lang po and try and try again hanggang sa maka registered po," pagtatapos ni Bayan Patroller Josephine.
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.