PatrolPH

Mga armas ng mga umano'y miyembro ng NPA, natagpuan sa Surigao del Norte

ABS-CBN News

Posted at Dec 31 2020 02:08 AM

Mga armas ng mga umano'y miyembro ng NPA, natagpuan sa Surigao del Norte 1
Kuha ng 901st Infantry Brigade, Philippine Army

Nadiskubre ng militar ang pinagtaguan ng mga armas ng hinihinalang miyembro umano ng New People's Army sa Brgy. Payapag sa bayan ng Bacuag, Surigao del Norte, Linggo ng umaga.

Base sa report ng 30th IB Philippine Army, nagsagawa ng operasyon ang militar sa Tugnawan, Sitio Little Baguio sa naturang bayan bilang tugon sa impormasyon ng mga residente hinggil sa itinagong mga armas at iba pang war materials sa lugar.

Narekober ng mga sundalo ang isang AK-47 rifle, isang Garand rifle, isang shotgun, tatlong anti-personnel mines, mga bala, mga magazines, electric wires, at batteries.

Pinaniniwalaang pagmamay-ari ng Guerilla Front 16 ng NPA ang mga nakuhang war materials.

Sa pahayag ni Col. George Banzon, commander ng 901st Infantry Brigade, ang pagkadiskubre ng mga armas ay isang patunay na marami ang hindi sang-ayon sa presensya ng mga rebelde sa lugar.--Ulat ni Lorilly Charmane D. Awitan

RELATED VIDEO

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.