Pedicab driver patay sa pamamaril sa Caloocan

ABS-CBN News

Posted at Dec 31 2019 05:33 AM

MAYNILA—Patay ang isang pedicab driver matapos barilin ng riding-in-tandem sa Camarin, Caloocan City Lunes ng gabi.

Nangyari ang insidente habang namamasada si Eric Tiguman sa San Vicente Ferrer Road, Barangay 178.

Ayon sa ilang residente, bigla na lang silang nakarinig ng putok ng baril.

Nakatakbo pa ng ilang metro si Tiguman bago ito binawian ng buhay. Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente.—Ulat ni Jervis Manahan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.