Pamilya patay sa salpukan ng tricycle, van sa Quezon

ABS-CBN News

Posted at Dec 31 2019 02:09 PM

Patay ang 5 miyembro ng isang pamilya matapos mabangga ng pampasaherong van ang sinasakyan nilang tricycle sa bayan ng Mulanay, Quezon nitong umaga ng Martes.

Kinilala ni Maj. Joselito Araja, hepe ng Mulanay police, ang mga nasawi na sina Benny Reymundo, asawang si Cristy, at ang 2 nilang batang anak.

Patay din ang kapatid ni Benny na si Manny.

Base sa imbestigasyon, papuntang bayan ng San Andres ang mga biktima para doon salubungin ang Bagong Taon nang mabangga ng van.

Nakikipagkarera ang van sa kapuwa pampasaherong van kaya sumalpok sa tricycle, ayon kay Araja.

Nagkasa na ng manhunt operation ang mga pulis laban sa driver ng van.

-- Ulat ni Dennis Datu, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.