6,000 litro ng petrolyo nakumpiska sa Surigao del Norte

Arra Perez, ABS-CBN News

Posted at Dec 31 2019 01:26 AM

SURIGAO DEL NORTE - Arestado ang 2 lalaki matapos makumpiskahan ng 6,000 litro ng gasolina at diesel, Linggo, sa checkpoint sa Barangay Sta. Cruz, Placer.

Ayon kay Police Brig. Gen. Joselito Esquivel, ng Caraga Philippine National Police, walang naipakitang permit ang mga suspek matapos parahin sa checkpoint ang sinasakyang elf truck. Agad ding kinumpiska ang dalang gasolina at diesel.

Napag-alamang binili ang mga dala nila sa isang gasolinahan sa Barangay San Pedro, Alegria at dadalhin sana sa Dinagat Islands.
 
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Presidential Decree Number 1865 na nagpaparusa sa mga nagdudulot ng panganib sa public interest at national security kaugnay ng pagpuslit ng produktong petrolyo. -Ulat ni Arra Perez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.