3 patay sa banggaan ng bus, motorsiklo sa Surigao del Norte

ABS-CBN News

Posted at Dec 31 2019 03:31 PM

Patay ang 3 tao matapos banggain ng bus ang sinasakyan nilang motorsiklong de sidecar sa bayan ng Alegria, Surigao del Norte noong hapon ng Lunes.

Papuntang Sison, Surigao del Norte ang motorsiklo na may kargang mga baboy nang sumabog ang isa sa mga gulong nito, dahilan para mawalan ng kontrol, ayon sa imbestigasyon ng Alegria police.

Bumangga ang motorsiklo sa kasalubong na bus na papunta namang Butuan City, ayon sa imbestigasyon.

Wala namang nasaktan sa pasahero ng bus.

Kabilang sa nasawi ang driver ng motorsiklo, 2 angkas, at ang mga baboy.

Nasa kustodiya ng pulisya ang driver ng bus. -- Ulat ni Charmane Awitan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.