'No. 1 most wanted' ng Davao City na sangkot umano sa gang rape, tiklo

ABS-CBN News

Posted at Dec 31 2018 12:23 AM

MAYNILA - Arestado sa labas ng isang mall sa Cubao, Quezon City ang itinuturing na number 1 most wanted ng Davao City.

Sa bisa ng isang search warrant, agad inaresto ang suspek.

Ayon kay Senior Insp. Ramon Acquiatan, hepe ng station drug enforcement unit ng Cubao Police Station, sangkot ang suspek sa umano'y pangga-gang rape sa isang menor de edad sa Davao City noong 2017.

Itinanggi naman ng suspek ang paratang laban sa kaniya. Wala umanong nangyaring pangggahasa at ginigipit lamang sila ng biktima.

Pansamantalang ikukulong ang suspek sa Cubao Police Station bago dalhin sa Davao City upang kaharapin ang kaso. - ulat ni Jeffrey Hernaez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.