Dalagang dati'y buto't balat, kamusta na?

ABS-CBN News

Posted at Dec 31 2018 02:37 PM

Nang unang mabunyag sa social media ang kalagayan ni Gennalyn, naantig ang puso ng marami dahil sa kanyang kalagayan: buto't balat kaya inaalalayan ng ina ang bawat galaw.

Nasa 17 kilograms lang ang timbang ng 17-anyos na dalaga at lumiliit na ang utak niya dahil sa labis na malnutrisyon, ayon sa mga doktor na tumingin sa kaniya sa unang pagkakataon matapos ang higit isang dekada.

Taong 2007 pa nang huling patingnan sa doktor si Gennalyn matapos siyang tamaan ng mataas na lagnat. Dahil walang pera ang kaniyang pamilya at malayo ang pinakamalapit na ospital, hindi na nakapagpatingin muli sa doktor ang dalaga, ayon sa kaniyang inang si Glenda.

Ngunit matapos maipalabas ang kalagayan ng dalaga sa Rated K, maraming nagpaabot ng tulong kay Gennalyn, gaya ng samu't saring pagkain, gatas at vitamins, kaya naman matapos lang ang 2 buwan ay heto na si Gennalyn.

Panoorin ang buong balita:

Watch more in iWant or TFC.tv
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.