Pick-up truck bumaliktad sa palaisdaan sa Iloilo

Cherry Palma, ABS-CBN News

Posted at Dec 31 2017 08:44 PM

Bumaliktad ang isang pick-up truck sa palaisdaan sa Jaro, Iloilo nitong Linggo ng hapon. Handout

Nalaglag at bumaliktad ang isang pick-up truck sa palaisdaan sa Barangay Balabago, Jaro, Iloilo ngayong Linggo.

Walang naitalang nasaktan sa insidente pero nabalot sa putik ang driver ng pick-up na si Cenvi Lyre Cordero at ang pasahero niyang si Rianess Paderna.

Ayon sa mga pasahero, umapak umano ang isang goma ng sasakyan sa gutter at dumeretso na sa fishpond.

Agad namang tinulungan ng mga residente ang dalawa.

Ayon sa babaeng pasahero, kakabili lang nila ng groceries pang-media noche at papunta sana sa isang kainan. Sa kasawiang palad, nalubog din sa putik ang kanilang pinamili.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.