PANOORIN: Ilang residente sa Cebu, lumabag sa firecracker ban

Joworksi Alipon, ABS-CBN News

Posted at Dec 31 2017 08:26 PM

CEBU CITY—Hindi pa man sumasapit ang bagong taon, ilang mga residente ng lungsod, kabilang ang isang grupo ng mga bata, ang nagsimula na sa paglabag ng batas laban sa paggamit ng mga paputok.

Isang lalaki ang nakuhanan ng video na nagsisindi ng "sinturon ni Hudas" sa kalsada.

Watch more in iWant or iWantTFC

Hindi bababa sa 9 na bata naman ang nagtatalunan at nagpapaputok sa kalye habang may ilang motorista ang dumadaan.

Sa ilalim ng Executive Order 28 ni Pangulong Rodrigo Duterte, sa mga designated firecracker zones lamang maaaring magsindi ng mga paputok.

Ipinagbabawal din ang paggamit ng mga ilegal na paputok tulad ng watusi at piccolo, at malalakas na pampaingay tulad ng super lolo, lolo thunder at "goodbye earth."

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.