MRT muling nagka-aberya sa pagtatapos ng taon

ABS-CBN News

Posted at Dec 31 2017 10:17 AM

MANILA - Pansamantalang sinuspinde ang operasyon ng MRT-3 dahil sa problema sa signalling system sa huling araw ng 2017, Linggo. 

Inihinto ang southbound na biyahe ng tren mula North Avenue hanggang Taft Avenue stations, alas-6:54 ng umaga. 

Ibinalik sa normal ang operasyon nito makalipas ang nasa 1 oras, ayon sa status report ng Department of Transportation. 

Apat na iba pang insidente ng pagpapababa sa mga pasahero ang naitala ng MRT ngayong linggo. 

Labindalawang tren ang tumatakbo, alas-6 ng umaga. 
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.