Ilang kalsada at tulay sa Cordillera, pansamantalang isinara

Marianne Claire Reyes, ABS-CBN News

Posted at Dec 31 2017 01:31 PM

Larawan mula sa Office of the Civil Defense-CAR

Isinara ang ilang bahagi ng Banaue-Hungduan-Benguet Road sa Ifugao, Linggo, matapos lumambot ang lupa sa gilid ng daan dahil sa matinding pag-ulan.

Ayon sa Department of Public Works and Highways sa Cordillera, ang mga motorista na dadaan sana sa naturang saradong kalsada ay maaring dumaan sa Kiangan-Tinoc Buguiias Road bilang alternatibong ruta.

Isinara din ang Matalag Bridge sa Conner Kabigao Road sa Apayao dahil delikado na raw daanan dahil sa kalumaan.

"This is a major section na kailanagn talaga ng construction of road, as of this time closed pa rin siya until the construction of road takes place," ani Jen Juezan, information officer ng DPWH-CAR.

Itinalaga ang Caglayan-Ripang-Cubet Provincial Road bilang alternatibong ruta para sa mga dadaan sa Matalag Bridge.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.