Babae tiklo sa pagnanakaw ng P60,000 gadgets

ABS-CBN News

Posted at Dec 31 2017 08:39 AM

MANILA - Inaresto ang isang babae matapos magnakaw umano ng nasa P60,000 na halaga ng gadgets sa Valenzuela City sa bisperas ng Bagong Taon, Linggo. 

Naaktuhan ng 2 biktima si Rosal Lacambra, 33, habang tinatangay ang cellphones at tablets sa kanilang bahay sa Barangay General T. De Leon, ayon sa pulisya. 

Sinubukan pa umanong tumakas ni Lacambra at nagtago sa isang jeep, pero natunton din ng mga barangay tanod. 

Una na umanong nagnakaw ang suspek sa bahay ng mga biktima at nakuhanan pa ng CCTV. 

Ayon kay Lacambra, "nangti-trip" lamang siya kaya nagawa ang krimen. Mahaharap siya sa kasong theft. - Ulat ni Arra Perez, ABS-CBN News; DZMM 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.