1 patay, 1 sugatan sa pagsabog sa North Cotabato

Arianne Apatan, ABS-CBN News

Posted at Dec 31 2017 03:37 PM

PIKIT, NORTH COTABATO - Isa ang patay habang isa pa ang sugatan sa pagsabog sa Barangay Poblacion, Pikit, North Cotabato Sabado ng gabi.

Nag-ugat ang pagsabog sa loob ng isang tindahan na pag-aari ni Norudin Pacalna sa tapat ng Masjidul Sallah Islamic Center.

Dead on arrival sa ospital ang 35-anyos na technician na si Jamil "Jambo" Sultan Rumbraan.

Dinala din sa ospital si Pacalna na nagtamo ng sugat sa iba't ibang bahagi ng katawan.

Ayon sa Philippine National Police, hindi dapat mag-alala ang mga residente dahil maaaring isa lamang itong isolated case.

Noong nakaraang linggo, sugatan ang isang 17-anyos na binatilyo matapos ang isa pang pagsabog sa Pikit. 

Patuloy na iniimbestigahan ng mga awtoridad ang insidente.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.