PatrolPH

5 patay, 4 pulis sugatan sa shootout sa Cotabato

ABS-CBN News

Posted at Dec 30 2021 07:09 PM

Patay ang 5 armadong suspek matapos umano silang manlaban sa mga pulis noong Miyerkoles sa Pikit, Cotabato.

Ayon kay Soccsksargen Police Director Brig. Gen. Alexander Tagum, maghahain sana ng arrest warrant ang mga pulis laban kay Joel Manampan sa may Barangay Gokotan.

Si Manampan ang itinuturing na "most wanted" sa bansa dahil sa kasong murder. May patong sa ulo laban sa suspek na nagkakahalang P175,000.

Ayon kay Tagum, nang dumating ang mga tropa sa lugar, agad silang pinaputukan ng mga armado kaya napilitan ang mga itong mamaril din.

Apat na pulis ang nasugatan sa insidente, na agad dinala sa ospital.

Nakatakas naman si Manampan habang naaresto ang isang kinilalang Mohidin Dalagonan Mantok na nakuhanan ng rifle at mga bala.

Narekober din ng mga pulis ang nasa 400 na motorsiklo, armas, mga bala, at assorted na improvised explosive device component.

Iniimbestigahan na ng regional police ang mga motorsiklo.

— Ulat ni Cheche Diabordo

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.