Hinihinalang NPA patay sa engkuwentro sa Bukidnon

PJ dela Pena, ABS-CBN News

Posted at Dec 30 2020 10:27 AM

Hinihinalang NPA patay sa engkuwentro sa Bukidnon 1
Mga baril, bala at iba pang personal na kagamitan ng mga rebelde ang narekober ng mga sundalo sa lugar na pinangyarihan ng engkuwentro sa Bukidnon, Dis. 29, 2020. Larawan mula sa 58th Infantry "Dimalulupig" Battalion

Patay ang isang miyembro ng New People’s Army habang arestado naman ang sugatang kasamahan nito matapos makasagupa ng mga sundalo sa Barangay Silo-o Malitbog sa Bukidnon, Martes ng umaga.

Nakilala ang rebelde na si Leonido Pacheco, alyas Macdong, kasapi ng Special Partisan Unit (SPARU) ng Sub-Regional Committee 1 (SRC1).

Pinuntahan ng tropa ng 58th Infantry "Dimalulupig" Battalion ang lugar dahil sa presensya ng mga rebelde. 

Narekober sa encounter site ang dalawang M16 rifles, isang KG-9, magazines, mga bala at mga subersibong dokumento.

Sa isinagawang clearing operation nahuli ng mga sundalo ang sugatang NPA na kinilalang si Aman Bilayong, alyas Neri, miyembro ng Platoon Ryan, Motorola, SRC1, Northern Central Mindanao Region Command (NCMRC). 

Agad namang dinala sa Camp Evangelista Station Hospital sa Cagayan de Oro ang sugatang rebelde para sa karagdagang medical treatment.

Patuloy ang operasyon ng mga sundalo laban sa mga rebelde na nagdiwang ng ika-52nd founding anniversary ng Communist Party of the Philippines noong Disyembre 26.
 
RELATED VIDEO

Watch more on iWantTFC