ALAMIN: Presyo ng mga bilog na prutas bago mag-Bagong Taon

ABS-CBN News

Posted at Dec 30 2019 02:49 PM | Updated as of Dec 30 2019 08:42 PM

Watch more in iWantTFC

(UPDATE) Dagsa na sa mga pamilihan ngayong Lunes ang mga taong bumibili ng mga bilog na prutas, na pinaniniwalaang maghahatid ng suwerte sa pagpasok ng bagong taon.

Sa Divisoria sa Maynila, mabibili ang kada piraso ng red apple sa halagang P10 hanggang P25 habang P30 naman ang kada piraso ng green apple.

Nasa P25 naman ang kada piraso ng orange at P20 ang kada piraso ng ponkan.

Ang isang balot ng kiat-kiat ay mabibili ng P80.

Ang kada piraso ng lemon ay ibinebenta ng P15.

Nasa P25 naman ang kada piraso ng dalandan at kiwi.

Naglalaro naman sa P35 hanggang P40 ang kada piraso ng persimmon.

Ang pinya ay mabibili sa halagang P25 kada piraso habang P70 naman ang kada piraso ng pomelo.

Ang kada kilo ng peras ay nasa P25 habang P200 hanggang P250 naman ang kada kilo ng seedless grapes.

Nasa P40 naman ang kalahating kilo ng chico.

Halos magkapareho lang ang presyo ng prutas sa Divisoria at Balintawak Market sa Quezon City.

Samantala, tumaas naman ang presyo ng mga bilog na prutas sa Commonwealth Market sa Quezon City.

Nasa P80 hanggang P100 na ang presyo ng kiat-kiat mula P50 habang tumaas naman sa P15 hanggang P20 ang kada piraso ng mansanas mula P10.

Mabibili naman ang 3 piraso ng orange at peras sa halagang P100 habang 6 pirasong ponkan naman ang mabibili sa P50.

Nasa P240 na ang kada kilo ng seedless na ubas mula P200.

Nagsisimula naman ang presyo ng melon sa P50 pataas, pakwan sa P70 pataas, at pinya sa P100 pataas.

Ang kada kilo ng dalandan ay mabibili ng P40 habang P80 ang kada kilo ng chico.

Inaasahan naman ng mga nagtitinda ng bilog na prutas sa Commonwealth Market na tataas pa ang presyo sa Martes o bisperas ng Bagong Taon. -- Ulat nina Sherrie Ann Torres at Raya Capulong, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.