Maskaradong lalaki, nanghataw ng mga parokyano ng internet cafe

Andoreena Causon, ABS-CBN News

Posted at Dec 30 2019 12:48 AM | Updated as of Dec 30 2019 08:07 PM

Watch more in iWantTFC

DAVAO CITY - Isang lalaking nakamaskara ang pumasok sa isang internet cafe sa syudad at basta na lang nanghataw ng mga naglalaro ng computer games dito. 

Huli sa CCTV ang ginawang pamamalo ng maskaradong lalaki sa apat na parokyano ng internet cafe.

Video courtesy of Marco Guerrero

Isa sa mga biktima ang cashier ng shop na si alyas "Leif," 19 anyos na nagkalatay sa likod.

Inabot raw siya ng madaling araw sa paglalaro dahil day-off niya nang araw na iyon. Tatlong iba pa ang nabiktima rin ng pamamalo.

Sa kabila naman ng pamamalo, tuloy lang sa paglalaro ng computer games ang ilan sa mga parokyano ng internet cafe. 

Hindi pa makumpirma ng pulisya kung sino ang mga responsable sa insidente.

Nanawagan rin ang San Pedro Police sa mga biktima na makipagtulungan sa kanila para sa imbestigasyon.

Noong nakaraang Oktubre, marami ang nagreklamo matapos umanong mabiktima ng "Bunal Squad." Palo ang ibig sabihin ng bunal sa lokal na wika. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.