Maletang naiwan sa gilid ng kalsada sa Iloilo City, napagkamalang bomba

Cherry Palma, ABS-CBN News

Posted at Dec 30 2019 09:37 PM

ILOILO CITY - Napagkamalang bomba ang isang maletang naiwan sa gilid ng kalsada sa Mandurriao, Iloilo City nitong Lunes ng gabi.

Agad na rumesponde ang bomb squad ng Explosive Ordnance Division 6 nang makatanggap ng impormasyon hinggil sa naiwang maleta.

Ayon kay Police Captain Hurdan Bacalangco, pinaghinalaang may lamang bomba ang maleta.

Ininspeksiyon ang maleta sa tulong ng isang bomb-sniffing dog.

Matapos ang ilang minuto, binuksan ito ng awtoridad at nalamang puno ito ng mga damit at walang lamang bomba.

Nahanap rin agad ang may-ari ng maleta dahil sa contact details na nakita sa maleta.

Nasa kustodiya ng EOD ang maleta na nakatakda na ring kunin ng may-ari ngayong gabi.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.