Bus nahulog sa bangin sa Sorsogon; 42 nasaktan

ABS-CBN News

Posted at Dec 30 2019 01:55 PM

MAYNILA - Nagtamo ng minor injuries ang 42 katao matapos mahulog sa bangin ang isang pampasaherong bus sa bayan ng Matnog, Sorsogon nitong Lunes ng umaga.

Bumulaga umano sa driver ng bus ang sharp curve o palikong daan sa Barangay Hidhid, ayon kay Police Capt. Jake Peralta, officer in charge ng Matnog Municipal Police.

Nasa kustodiya na ng pulisya ang driver ng Eagle Star bus na may body number 8168.

--Ulat ni Zhander Cayabyab, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.