Binatilyo, patay nang mabangga ang motorsiklo ng kapatid

Dianne Dy, ABS-CBN News

Posted at Dec 30 2019 08:20 PM

Patay ang isang 16 anyos na lalaki matapos mabangga sa motorsiklong minamaneho ng kaniyang kapatid sa bayan ng Vintar, Ilocos Norte, Linggo.

Base sa imbestigasyon, nagkakarera sakay ng motorsiklo ang biktima at ang kapatid nito nang mawalan ng kontrol ang biktima at bumangga sa motorsiklo ng kapatid.

Nagtamo ng tama sa ulo ang biktima na siyang naging sanhi ng pagkamatay nito.

Ayon sa pulisya, posibleng managot ang mga magulang ng biktima dahil parehong menor de edad ang dalawa.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.