Babae, napatay sa saksak ang kalaguyo umano ng asawa

Nico Delfin, ABS-CBN News

Posted at Dec 30 2019 09:28 PM

Patay sa pananaksak ang isang 32 anyos na babae sa Escalante City, Negros Occidental Sabado ng hapon.

Nagtatrabaho ang biktima nang inatake ng 40 anyos na suspek sa loob ng isang bakeshop.

Ayon sa Escalante City Police, love triangle ang tinitingnang motibo sa nangyaring krimen.

Ang biktima ay kinakasama umano ng mister ng suspek.

Napag-alaman rin ng pulisya na matagal nang pinagbabantaan ng suspek ang biktima.

Inihahanda na ang kasong murder laban sa suspek.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.