5 sugatan sa banggaan ng fire truck, kotse sa QC

ABS-CBN News

Posted at Dec 30 2019 02:56 PM

Limang tao ang nasugatan matapos magkabanggaan ang isang fire truck at isang saskayan sa Quezon City ngayong Lunes.

Binabaybay ng fire truck ang D. Tuazon Street para rumesponde sa sunog nang mabangga ng kotseng tumawid mula Del Monte Avenue, batay sa imbestigasyon ng Quezon City Police District.

Kabilang sa mga nasugatan ang driver at 2 pasahero ng kotse, at 2 bombero.

Pansamantalang bumigat ang daloy ng trapiko sa lugar ng aksidente pero naibalik din sa normal matapos maitabi ang mga nagbanggaang sasakyan. -- Ulat ni Raya Capulong, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.