5 anyos na babae patay sa hit-and-run sa Bulacan

ABS-CBN News

Posted at Dec 30 2019 04:13 PM | Updated as of Dec 30 2019 08:31 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Napatay ang isang 5 taong gulang na babae matapos masagasaan ng isang motorcycle rider sa bayan ng Bustos, Bulacan noong Linggo.

Patawid ng kalsada ang biktimang si Steffi Nicole Salazar para bumili sa tindahan sa may Barangay Camachilihan nang mabangga ng motorsiklo.

Sa halip na huminto ay tumakas ang motorcycle rider, na nakasakay sa itim na motorsiklo at may angkas na babae.

Itinakbo sa ospital si Salazar pero idineklara ring dead on arrival.

Nakuhanan ng surveillance camera ang insidente pero malabo ang kuha kaya hindi matukoy ang plate number ng motorsiklo.

Patuloy ang paghahanap ng mga awtoridad sa nakabangga sa bata.

-- Ulat ni Jervis Manahan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.