Restaurant sa Taguig, bahagyang nasunog

Michael Delizo, ABS-CBN News

Posted at Dec 30 2017 07:53 PM | Updated as of Dec 31 2017 12:07 AM

(2ND UPDATE) Sumiklab ang apoy sa isang restaurant sa mall sa Bonifacio Global City, Taguig Sabado ng hapon.

Ayon sa Bureau of Fire Protection, nagsimula ang sunog sa Kamayan sa Market! Market! bandang alas-4:30 ng hapon at agad naapula makalipas ang 7 minuto.

Ito ang ikalawang insidente ng sunog sa loob ng naturang mall ngayong buwan.

Noong Pasko, nagkagulo at dalawa ang nasaktan nang masunog at mahulog ang isang malaking parol na nakasabit sa itaas ng activity center ng mall.

(Editor's note: A previous version of this story incorrectly referred to the restaurant as Kamay Kainan. ABS-CBN News regrets the error.)

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.