NCCC Mall management, pinabulaanan na sinadya ang pagsunog sa gusali

Hernel Tocmo, ABS-CBN News

Posted at Dec 30 2017 06:48 PM

DAVAO CITY—Nanawagan ang mga tagapamahala ng nasunog na NCCC Mall sa publiko na tigilan ang pagkakalat ng maling impormasyon na sinadyang sunugin ang gusali ilang araw bago mag-Pasko.

"There is no truth to that. In fact, that is a very malicious imputation of the commission of the crime. Hindi talaga totoo iyan kasi no person will do that," ani Attorney Darry Gallego, assistant vice president for corporate services ng NCCC Mall.

Namatay ang halos 40 tao nang masunog ang nasabing mall noong nakaraang linggo. 

Nagsimulang kumalat ang balita na maaaring sinadya ang panununog sa mall matapos kumalat ng lumang artikulo na nagsasabing nakatakda nang i-renovate ang mall.

Salungat sa resulta ng inisyal na imbestigasyon, iginiit ni Gallego na gumana ang mga fire sprinkler at alarm nang sumiklab ang sunog sa loob ng gusali.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.