200 pasahero ng MRT pinababa dahil sa aberya

ABS-CBN News

Posted at Dec 30 2017 10:23 AM

Pinababa ang may 200 pasahero ng MRT-3 habang binabagtas ng tren ang northbound track sa Magallanes station matapos ang isang electrical failure bandang 6 ng umaga Sabado.

Ayon sa pamanuan ng MRT-3, isa sa mga dahilan ng aberya ay ang lumang sub-components o mga lumang parte ng electrical system ng tren.

Nakasakay naman ang mga pasahero sa sumunod na tren.

Operational na ang MRT at may 10 mga tren ang umaandar.

Madalas na ang problema sa MRT-3, isang pangunahing mass transit system sa Metro Manila, dahil sa hindi magandang maintenance nito. Halos araw-araw na ang naitatalang aberya sa tren. 

Samantala, libre ang sakay ngayong Sabado sa MRT mula 7 a.m. hanggang 9 a.m. at mula 5 p.m. hanggang 7 p.m. 
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.