PatrolPH

Lalaki pinugutan ang sariling anak sa Agusan del Norte

ABS-CBN News

Posted at Dec 29 2021 10:34 PM

BUENAVISTA, Agusan del Norte - Kinasuhan ng parricide ang isang ama sa Purok 1, Barangay Malpoc, Buenavista, Agusan del Norte matapos pugutan ng ulo ang kaniyang 9 taong gulang na anak noong araw mismo ng Pasko.

Ayon sa ulat ng Buenavista Municipal Police Station, Disyembre 25 nang pugutan ng ulo ng 46 taong gulang na ama ang kanyang anak gamit ang karit. 

Napag-alaman ng kapulisan na may problema sa pag-iisip ang ama.

Nagtamo rin ng mga sugat sa iba't-ibang bahagi ng katawan ang suspek matapos tagain ang kaniyang sarili.

Nasa kustodiya ngayon ng Buenavista Police ang suspek.

- ulat ni Charmane Awitan

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.