Pag-angkat, paggamit ng Sinopharm vaccine sa mga sundalo palaisipan | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Pag-angkat, paggamit ng Sinopharm vaccine sa mga sundalo palaisipan

ABS-CBN News
Published Dec 29, 2020 06:14 PM PHT
|
Updated Dec 30, 2020 12:23 AM PHT

MAYNILA – Inihayag ng isang eksperto sa mga bakuna na dapat malaman ng publiko kung paano naturukan ng Sinopharm vaccine ang ilang sundalo at miyembro ng gabinete dahil bukod sa hindi sila prayoridad ay wala pang inaaprubahang bakuna ang regulators ng bansa.

Nabulabog ang mga Pinoy noong Lunes matapos mabuking ang pagpapabakuna ng ilang miyembro ng Presidential Security Group kahit pa mismong pamahalaan ang nagsabing healthcare workers ang mauunang maturukan.

Ang Sinopharm ng China umano ang ginamit na bakuna. Pero sabi ng isang eksperto, hindi pa ito lisensiyado sa Pilipinas kaya labag sa batas ang pag-aangkat nito.

"We know that we cannot use things, drugs, vaccines that have not been approved by FDA (Food and Drug Administration)... Is the vaccine safe? There is no data yet that we have and I cannot really say if it is safe or efficacious until data is presented to us. That is how we do these things. Evidence is what we need... [T]here should be an investigation on who is distributing these vaccine because the one who is distributing this vaccine would be the ones who should be liable," ani Dr. Lulu Bravo, executive director ng Philippine Foundation for Vaccination.

Nauna nang iginiit ng pamahalaan na wala silang nilabag na batas sa ginawang pagbabakuna.

Sinabi rin ng FDA na wala pang bakuna na nakakuha ng emergency use authorization (EUA) sa Pilipinas.

Sabi naman ni Presidential Spokesman Harry Roque, "donasyon" ang mga bakunang itinurok sa PSG.

"Wala pong ginastos na pera galing sa kaban ng bayan dito, iyan donasyon na wala po iyang kondisyones... Iyong mga tokens po pinapayagan naman lalo na kung panahon ng Pasko," ani Roque.

Hindi pa rin sinasabi ng pamahalaan kung sino ang nagbigay sa kanila ng Sinopharm vaccine na gawa ng isang pharmaceutical company na pag-aari ng pamahalaan ng Tsina.

Balak maghain ng resolusyon ng Makabayan bloc sa Kamara para siyasatin ang anila'y VIP vaccination.

–Mula sa ulat ni Chiara Zambrano, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT