PatrolPH

3 patay sa Leyte matapos malason umano sa kinaing pufferfish

ABS-CBN News

Posted at Dec 29 2020 07:24 PM

Tatlo ang naiulat na namatay matapos na kumain at malason umano sa pufferfish o botete sa bayan ng Tabango, Leyte.

Kinumpirma ito ng mga ahensiya ng disaster risk reduction and management sa Tabango at sa Leyte, pati ng Police Regional Office 8.

Ayon sa ulat nangyari ang insidente nitong Lunes sa Sitio Patag, Barangay Tabing, Tabango.

Nakilala ang mga namatay na sina Restituto Sumalinog, 63 anyos; Lucricia Anislagon, 49; at Ramil Catam-isan, 40.

Ginagamot pa sa hospital sina Jolito Dalut, 25; Rodulfo Hiki, 26; Lucina Hiki, 24; at Beinvinida Sumalinog, 53.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, dinala ng isang residente ang pufferfish kay Restituto at niluto ito bago dinala sa barbecue stand at ipinamigay sa mga customer na nag-iinuman.

Ang 3 namatay ay unang nakaranas ng matinding pagsusuka at dinala pa ang mga ito sa hospital ngunit idineklara ang mga ito ng mga doktor na dead on arrival.

Patuloy din ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad ukol dito. -- Ulat ni Ranulfo Docdocan

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.