Lalaki patay matapos sumalpok sa truck ang sinasakyang traysikel

ABS-CBN News

Posted at Dec 29 2019 04:23 PM

Patay ang isang 57 anyos na lalaki nang mabangga ang sinsaskyang traysikel sa isang truck sa Negros Occidental nitong Sabado. 

Ayon sa imbestigasyon ng PNP Negros Occidental, bumabaybay ang traysikel na minamaneho ng 17 anyos na anak ng biktima nang mag-overtake ang sasakyan, dahilan para sumalpok sa dumaraang trak. 

Agad na dinala ang mag-ama sa ospital pero binawian ng buhay ang ama makaraang magulungan ang kaniyang paa. 

Hinihintay pa ng traffic investigator kung magkakaareglo ang partido ng trak at ng mag-ama. 

Kasalukuyang nakakulong ang drayber ng trak. -- Ulat ni Marty Go, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.