ALAMIN: Presyuhan ng paputok sa Bulacan 3 araw bago mag-Bagong Taon | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
ALAMIN: Presyuhan ng paputok sa Bulacan 3 araw bago mag-Bagong Taon

ABS-CBN News
Published Dec 29, 2019 04:20 PM PHT
|
Updated Dec 29, 2019 08:15 PM PHT

MAYNILA - Nagsimula nang tumaas ang presyo ng mga fireworks at firecrackers sa Bocaue, Bulacan ilang araw bago mag-Bagong Taon.

Ayon sa mga vendor, nadagdagan nang 10 hanggang 20 porsiyento ang presyo ng kanilang mga paninda dahil sa mataas na demand.

Presyo
- Kwitis → P4.50/piraso (dati: P3.50/piraso)
- Fountain → P50 hanggang P350 (dati: P30 hanggang P300)
- Aerial fireworks → P700/piraso (dati: P600/piraso)
- Roman candle → P50/piraso (dati: P40/piraso)
- Luces → P50/piraso (dati: P40/piraso)

Mabenta ang kwitis, luces, at aerial fireworks, ayon sa vendor na si James Mendoza.

“Marami na pong bumibili. Tuwing hapon at gabi dumadagsa,” ani Mendoza
“Marami na pong bumibili. Tuwing hapon at gabi dumadagsa,” ani Mendoza
ADVERTISEMENT
Kahit pa man mataas na ang presyo, dagsa pa rin ang mga kostumer na pawang galing sa Metro Manila at sa karatig-probinsiyang Pampanga at Cavite.

Sa Bocaue rin namimili ng fireworks ang overseas Filipino worker na si Eric Mabale na galing pang Tondo sa Maynila.

Umaabot sa P17,000 ang kaniyang nagastos sa pagbili ng mga paputok.

“Tumaas siya nang konti, pero minsan lang din naman siya sa isang taon,” ani Mabale.

"Suki na namin ito. Subok ko na siya. Kaya every year, dito ako bumibili,” dagdag niya.

Inaasahan ng mga vendor ang pagdami pa ng mga mamimili hanggang Disyembre 31, sa bisperas ng Bagong Taon. -- Ulat ni Bianca Dava, ABS-CBN News