5 sugatan sa sunog sa Tondo

Arra Perez, ABS-CBN News

Posted at Dec 29 2019 01:52 PM | Updated as of Dec 29 2019 07:23 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Sugatan ang 5 katao sa sunog sa isang residential area sa Tondo, Maynila nitong Linggo.

Nagtamo ng minor injuries ang 4 na residente at 1 fire volunteer, ayon kay Fire Insp. John Joseph Jalique, chief investigator ng Bureau of Fire Protection-Manila.

Umabot sa ikaapat na alarma ang sunog at idineklarang under control bago mag-alas 12 ng tanghali.

Tagalog news, Manila, Tondo, fire

Nagsimula ang sunog sa ikalawang palapag ng isang bahay. Agad kumalat ang apoy dahil gawa sa light materials ang mga bahay.

Ayon kay Jalique, inaalam pa ang sanhi ng sunog. Bineberipika rin ng BFP ang kwento ng mga residenteng may nakita silang nag-spark sa parteng kisame ng bahay. 

Nawalan ng tirahan ang 100 pamilya habang inaalam pa ang halaga ng pinsalang dulot nito. 

Apela ni Jalique sa publiko, iwasan ang pagkabit ng octopus line o maraming sala-salabat na electrical wires at huwag nang gumamit ng paputok para sa mas ligtas na pagsalubong sa Bagong Taon. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.