3 balik-kulungan dahil sa droga sa Davao

ABS-CBN News

Posted at Dec 29 2019 12:43 PM

DAVAO CITY -- Balik sa pagkabilanggo ang 3 lalaki matapos mahulihan ng droga sa isang hotel sa lungsod na ito, Sabado ng gabi.

Nahulihan ng P12,000 halaga ng shabu sina Juel Vincent del Mundo alyas "Jay," ang subject ng operasyon, at mga kasamahang Kendell Pacifico alyas "Kid-kid" at Kenn John Ordaneza alyas "John."

"Nag-shabu lang mi (Nag-sha-shabu lang kami)," ani Pacifico.

Mahaharap ang 3 sa kasong paglabag ng Comprehensive Dangerous Drugs Act.

--Ulat ni Berchan Louie Angchay, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.