12 sugatan sa pagtagilid ng bus sa Oriental Mindoro

ABS-CBN News

Posted at Dec 29 2019 09:12 AM | Updated as of Dec 29 2019 09:48 AM

MAYNILA -- Sugatan ang 12 katao matapos tumagilid ang isang pampasaherong bus sa bayan ng Socorro, Oriental Mindoro nitong Linggo ng madaling araw.

Galing Roxas Port ang Elms Bus na may sakay na 24 pasahero at patungong Calapan City Port nang mangyari ang aksidente, ayon sa Mimaropa Police.

Isinugod sa Oriental Mindoro Provincial Hospital sa Calapan City ang mga sugatang pasahero.

Nagkamali umano ng kalkulasyon ang driver ng bus na si Marcelio Reyes pagdating sa zigzag road kaya nawalan siya ng kontrol hanggang tumagilid ito.

Hindi nasaktan ang driver na hawak na ngayon ng mga awtoridad.

Kakabigay lang sa bus ng special permit ngayong holiday season sa rutang Iloilo - Batangas - Calapan - Roxas - Caticlan.

-- Ulat ni Dennis Datu, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.