PatrolPH

7,800 pasahero stranded pa rin sa mga pantalan

Ron Lopez, ABS-CBN News

Posted at Dec 29 2018 11:29 PM

MAYNILA—Nasa 7,800 pasahero pa ang hindi makabiyahe sa iba’t ibang pantalan sa bansa Sabado ng gabi, o dalawang araw bago ang salubong ng Bagong Taon.

Ito ay sa kabila ng pagbabalik normal ng mga biyahe sa mga pantalan at ng roll-on/roll-off kasunod ng pagbuti ng panahon.

Batay sa monitoring ng Philippine Coast Guard, mahigit 4,000 pasahero ay nasa mga pantalan sa Bicol, habang halos 2,000 naman ang naitala sa Southern Tagalog.

Ang ilang pantalan naman ay tuloy-tuloy na ang biyahe habang ang iba ay kinukulang ng sasakyan dahil sa dami ng mga naipong pasahero.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.