Sekyu na nanutok umano ng baril sa Navotas, arestado

ABS-CBN News

Posted at Dec 29 2017 02:19 AM

Arestado ang isang guwardiya matapos umanong manutok ng baril sa mga bata at ilang residente sa Barangay NBBS, Navotas.

Kinilala ng nahuli na si Gregorio Prenciona na umano'y isang military reservist.

Kwento ng isang residente, bumunot ng baril si Prenciona at itinutok ito sa kanya habang lasing at nagwawala umano.

Hindi umano taga-roon si Prenciona pero dumayo ito para dalawin ang kanyang mga kamag-anak. Lagi daw itong nanggugulo sa lugar.

Kasalukuyang iniimbestigahan ng pulisya ang insidente. Dagdag kaso daw ang haharapin ni Prenciona kung mapatunayang ipinagkakalat niya na sundalo siya. - ulat ni Kristine Sabillo, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.