Rebeldeng wanted sa kidnapping at arson, tiklo

Francis Canlas, ABS-CBN News

Posted at Dec 29 2017 11:57 AM

SOUTH COTABATO – Isang miyembro ng rebeldeng New People’s Army na may mga kinakaharap na mga kaso ang nahuli ng mga awtoridad nitong Miyerkoles sa bayan ng T’Boli.

Nahuli ang suspek na nakilalang si Rey Blasse, 44-anyos, sa Barangay New Dumangas.

Wanted si Blasse dahil sa mga kasong kidnapping and illegal detention at arson.

Ayon kay Police Chief Inspector Ramil Villagracia, hepe ng T’boli Police Station, kasama umano sa grupo ng Front Committee 73 ng NPA sa lalawigan si Blasé na sangkot sa panununog ng heavy equipment sa Sitio Palen, Barangay Edwards, at pagdukot sa dating sundalo ng 27th Infantry Battalion na si Private First Class Khen Subere noong April 2015.

Number 3 umano sa liderato ng grupo si Blasse kaya pinagsikapan nilang mahuli ito nang makatanggap sila ng tip.

Itinatanggi ni Blasse na miyembro siya ng NPA.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.