P1.3M shabu, nakuha sa buy-bust sa Cebu

Donna Lavares, ABS-CBN News

Posted at Dec 29 2017 03:42 PM

CEBU CITY - Nasabat ang shabu na nagkakahalaga ng P1.3 million sa dalawang magkahiwalay na buy-bust operation dito sa lungsod, Huwebes.

Kinilala ang mga suspek na sina Edison Bacalso, Roque Tejares, Miel Bajenting and Andrew Sumagang na nagbebenta ng droga sa Barangay Suba at Barangay Calamba.

"Noong huminto ang PNP sa operasyon kontra droga, nagsimula na naman sila magtinda," ani Supt. Glenn Mayam, hepe ng Cebu City Drug Enforcement Unit.

Base sa tala ng mga pulis, naaresto na sina Tejares, Bajenting and Sumagang noong 2016 sa mga kasong kaugnay sa iligal na droga. 

Si Bacalso naman ay kilala bilang isang high-value target sa lugar.

Nakakulong ngayon ang mga suspect habang inihahanda ang mga kasong isasampa sa kanila.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.