PAGASA: LPA sa labas ng PAR, posibleng maging bagyo

ABS-CBN News

Posted at Dec 29 2016 02:46 PM

Isang low pressure area (LPA) ang namataan sa labas ng Philippine area of responsibility (PAR), inanunsyo ng state weather bureau PAGASA Huwebes. 

Sa panayam ng DZMM, sinabi ni PAGASA meteorologist Meno Menoza na malayo pa sa PAR ang LPA na huling namataan sa layong 2,300 kilometro silangan-timog silangan ng Mindanao. 
 
Mayroong 50-porsyentong tsansa na maging bagyo ang naturang sama ng panahon, ani Mendoza. 

Hindi naman anya ito inaasahang pumasok sa PAR bago sumapit ang Bagong Taon. 

Sa ngayon, tanging southwest monsoon o amihan aniya ang nakaaapekto sa bansa. 

Magdadala ito ng mahinang pag-ulan sa Hilagang Luzon, partikular sa Cagayan Valley, Cordillera at Ilocos regions, hanggang sa Bagong Taon. 

Inaasahan naman ang maaliwalas na panahong may manaka-nakang thunderstorm sa nalalabing bahagi ng bansa. 

DZMM TeleRadyo, 29 Disyembre 2016