Retrato mula sa Manila Police District Station 3
MAYNILA — Arestado ang isang lalaki matapos mahulihan ng ilegal na paputok sa Santa Cruz district ng lungsod na ito, sabi ngayong Lunes ng pulisya.
Ayon sa Manila Police District (MPD), nagkasa sila ng "Oplan Galugad" at sa kanilang pag-iikot, nakita nila ang 19 anyos na suspek na nagbebenta ng mga paputok.
Kasama umano sa mga ibinebenta ng suspek ang Judas belt, baby rocket, piccolo at iba pa. Ipinagbabawal ang mga ito ngayong may pandemya.
Nauna nang sinabi ng National Capital Region Police Office na bawal ang mga paputok sa Metro Manila ngayong holiday season, batay na rin sa napagkasunduan ng mga alkalde.
-- Ulat ni Jekki Pascual, ABS-CBN News
RELATED VIDEO:
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
PatrolPH, Tagalog news, krimen, arrest, Manila, Manila Police District, paputok, New Year, Bagong Taon