TIPS: Paano makatitiyak na ligtas ang binibiling lambanog?

ABS-CBN News

Posted at Dec 28 2019 03:21 PM | Updated as of Dec 28 2019 03:27 PM

Watch more in iWantTFC

MAYNILA - Sa pinakahuling tala, nasa 17 na ang kumpirmadong patay matapos makainom ng "killer lambanog" na may sobra-sobrang lebel ng nakalalasong methanol.

Dahil dito, tinalakay sa programang "Usapang de Campanilla" ng DZMM kung paano malalamang ligtas ang biniling lambanog. 

"Dapat po ito ay nasuri bago ito inilabas ng merkado at inisyuhan siya ng product registration. 'Yan po ang nagtitiyak sa publiko na 'yung kakainin o iinumin natin ay ligtas," ayon sa abogadong si Noel Del Prado. 

Dahil sa insidente, naglabas ang Food and Drug Administration (FDA) ng listahan ng brands ng mga rehistradong lambanog distilleries.

Ito ay ang mga sumusunod: 

  • Mang Andoy
  • Island Coco
  • Lakan Bronze
  • Jimmy's 
  • San Juan Lambanog
  • Lakan Extra Premium
  • Craft Distilled Lakan
  • Lakan Silver
  • Dory's Lambanog
  • Jimmy's Lambanog
  • Ram-Ciel Lambanog
  • San Juan
  • San Juan Premium Lambanog

Ang pagbebenta ng lambanog nang walang kaukulang permit o product registration ay mapaparusahan alinsunod sa Food Safety Act. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.