Tindahan ng paputok, natupok sa Bulacan

ABS-CBN News

Posted at Dec 28 2019 07:27 PM

MAYNILA—Isang tindahan ng paputok ang nasunog Sabado ng gabi sa bayan ng Bocaue, Bulacan.

Ayon sa Bureau of Fire Protection, nagsimula ang sunog alas 6:12 ng gabi bago itinaas ito sa ikatlong alarma.

Watch more in iWantTFC

Nagdeklara ng fire-out ang mga awtoridad mahigit isang oras matapos ang pagsiklab. — Ulat ni Jeffrey Hernaez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.