Suspek sa pagpatay ng batang babae sa Batangas, nahuli na

Andrew Bernardo, ABS-CBN News

Posted at Dec 28 2019 07:19 PM

Dinakip ng pulisya si Mark Alvin Sajer, na suspek sa pagpatay ng isang 11-anyos na batang babae sa Bauan, Batangas. Kuha ng Bauan Municipal Police Station


BAUAN, Batangas - Nasa kamay na ng mga awtoridad nitong Sabado ang itinuturong suspek sa pagpatay sa 11-anyos na batang babae sa bayan na ito.

Watch more in iWantTFC

Nadakip ng pulisya ang suspek na kinilalang si Mark Alvin Sajer, 27, na nakatira umano malapit sa bahay ng biktima, na natagpuang patay sa Barangay Bolo noong Martes.

Ayon kay Police Lt. Col. Joemar Labiano, hepe ng Bauan Municipal Police Station, nagtutugma ang mga pahayag ng tatlong witness na nagsabing huling nakitang kasama ng biktima ang suspek noong Lunes.

Sinampahan na ng kasong murder ang suspek.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.