Sanggol, 3 iba pa sugatan sa banggaan sa Makati

ABS-CBN News

Posted at Dec 28 2019 04:56 AM | Updated as of Dec 28 2019 08:34 PM

Watch more in iWantTFC

MAKATI - Sugatan ang 4 na katao, kabilang na ang isang 4 buwang sanggol, sa banggaan sa Guadalupe Bliss Friendship, Barangay Cembo nitong Sabado ng madaling-araw.

Ayon sa isang testigo, mabilis ang takbo ng dalawang kotse at hinala niya’y tila naka-inom ang mga driver. 

Agad namang sinugod sa ospital ang mga biktima. 

Tumanggi pang magbigay ng pahayag ang Makati Traffic Sector na iimbestigahan pa ang insidente. 

Ayon kay Neri Sotelo ng Public Safety Department ng Makati City, accident prone ang nasabing kalsada dahil pa kurbada ito at walang warning sign. 

Dagdag pa niya, nagpapalagay na sila ng signboard. May nagsalpukan na rin na mga motorsiklo bago pa nagbangaan ang dalawang kotse. 

Nagpapaalala ang Public Safety Department sa mga motorista na magdahan-dahan sa pagmamaneho sa Guadalupe Bliss Friendship upang maiwasan ang aksidente. -Ulat ni Jekki Pascual, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.