Sala-salabat na kable ng kuryente itinuturong sanhi ng sunog sa Pasay

ABS-CBN News

Posted at Dec 28 2019 04:38 PM

MAYNILA - Aabot sa 50 pamilya ang naapektuhan nang masunog ang ilang kabahayan nitong Sabado sa Pasay City. 

Umabot ang sunog sa ika-4 na alarma at nasa P100,000 ang halaga ng napinsala. 

Ayon kay Pasay City fire marshall Supt. Edgar Tanawan, electrical overload bunga ng sala-salabat na koneksyon sa kuryente ang naging sanhi ng sunog. 

Isinisisi naman ni Barangay Capt. Reynaldo Legazpi sa kawalan ng disiplina ng mga residente na hinayaan na magkaroon ng sala-salabat na koneksyon ng kuryente.

Ayon kay Pasay City Mayor Emi Rubiano, agad na ililipat sa evacuation center ang mga nasalanta ng sunog. 

-- Ulat ni Henry Atuelan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.