Presyo ng mga prutas wala pang pagtaas pero bentahan 'matumal'

ABS-CBN News

Posted at Dec 28 2019 03:30 PM


MAYNILA — Ilang araw na lang bago ang Bagong Taon, sinabi ng mga tindera sa ilang palengke na "matumal" pa rin ang bentahan nila ng prutas, na karaniwang patok sa Media Noche.

Ngayong Sabado, "stable" o wala pa ring paggalaw sa presyo ng mga prutas sa mga palengke sa Baclaran at Quezon City. 

Presyo ng mga prutas sa Baclaran:

  • Longan → P200/kilo
  • Ubas → P200/kilo
  • Fuji apple (malaki) → P20/piraso
  • Fuji apple (maliit) → P10/piraso
  • Ponkan → P12.50/piraso
  • Lemon → P20/piraso o P50/3 piraso
  • Dalandan → P50/kilo
  • Persimmon → P35/piraso
  • Chico → P100/kilo
  • Bayabas → P100/kilo
  • Suha →P140/kilo
  • Dragon fruit → P250/kilo
  • Pinya → P100/kilo
  • Pakwan → P250/kilo

Presyo ng mga prutas sa Mega Q Mart sa QC:

  • Dalandan → P35/kilo
  • Chico → P60/kilo
  • Pinya → P30/piraso
  • Ubas (seedless) → P180/kilo 
  • Ubas (may buto) → P120/kilo
  • Chesa → P80 (imported)
  • Mansanas → P25/piraso
  • Kiat kiat → P180/kilo
  • Orange → P25/piraso 
  • Buko (kinayod) → P250/kilo 
  • • Buko → P40/piraso

Sabi ng mga nagtitinda, posibleng sa Linggo ng madaling araw hanggang bisperas ng Bagong Taon pa dumagsa ang mga mamimili.

Payo ng mga vendor, kung balak unti-untiin ang pagbili, unahin ang pagbili ng prutas na may matitigas na balat tulad ng melon at pakwan dahil hindi ito agad nabubulok. 


-- Ulat nina Michael Joe Delizo at Henry Atuelan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.